Imbestigasyon ng Special Task Group sa pagkamatay ng PNPA cadet, patuloy | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Imbestigasyon ng Special Task Group sa pagkamatay ng PNPA cadet, patuloy

ABS-CBN News
Published Sep 26, 2021 05:04 PM PHT

MAYNILA - Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Special Task Group Magsayo sa pagkamatay ni PNPA Cadet Third Class Karl Magsayo matapos suntukin sa tiyan ng limang beses ng kanyang upperclassman na si Cadet 2nd Class Caesar Steve Maingat.

Sa panayam sa telepono ng ABS-CBN News sa hepe ng PNPA Public Information Office na si Police Lieutenant Colonel Louie Gonzaga, bandang 5:40 nang hapon noong Huwebes nang ma-late sa latrine o shower time ang biktima kaya siya napagsabihan ng suspect.

Pagkatapos ng sagutan sa shower room ay pinagreport pa umano ng suspect ang biktima sa kanilang dormitory room kung saan muling nagkasagutan ang dalawa. Ayon sa mga testigong kadete, limang beses sinuntok sa tiyan ng suspect ang biktima kaya ito nawalan ng malay.

"Nagkaroon ng parang discussion yung victim, Cadet Magsayo and yung suspect si Cadet Maingat inside the shower room of the dormitory area," ani Gonzaga.

"Later on he was advised to report doon sa room nung suspect, ni Cadet 2nd Class Maingat. They had confrontation and then during the confrontation as accounted by the witness, nasuntok sa may abdominal area yung victim five times which made him unconscious," dagdag niya.

Nawalan ng malay si Magsayo kaya agad tumawag ng paramedics ang mga kaklase. Itinakbo pero idineklarang patay na si Magsayo pagdating sa pagamutan.

Ayon kay Gonzaga hinihintay pa nila ang resulta ng autopsy sa bangkay ni Magsayo.

Si Cadet Maingat ay direct upperclassman ni Cadet Magsayo at bahagi ng training ng mga kadete na i-mentor o alalayan sa Academy ang kanilang lowerclassman.

"He is the direct upperclassman and they belong to the same dormitory area so definitely mentoring po ang role ng ating mga direct upperclassman even yung first class men," ani Gonzaga.

"There are certain provisions doon sa Anti Hazing Act of 1995 na kapag ginamit mo yung superiority of your position as a senior over your subordinate or junior, that could constitute hazing pag nag inflict ka ng physical harm on your junior but we leave that to the fiscal," dagdag niya.

Ayon kay Gonzaga, agresibo ang mga programa ng PNPA para maiwasan ang hazing sa Academy kagaya ng mga regular na symposium, regular inspection at spot inspection para makita kung may mga hazing paraphernalia ang mga kadete. May mga nakainstall na CCTV rin sa PNPA para mas mamonitor ang galaw ng mga kadete. Matagal na panahon na umano mula nang magkaroon ng kaparehong issue sa PNPA.

Inihahanda na ang kasong kriminal at administratibo laban kay Maingat.

Read More:
Philippine National Police Academy
PNPA
Karl Magsayo
Special Task Group Magsayo
hazing
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT