DAVAO CITY - Positibo sa COVID-19 ang 40 pasahero sakay ng isang commercial flight mula Metro Manila na dumating noong ika-21 ng Setyembre sa Davao City.
Ito ang kinumpirma ni Mayor Sara Duterte-Carpio sa panayam sa kaniya sa Davao City Disaster Radio nitong Biyernes.
“Manila gikan ang flight possibly asymptomatic na sila kay didto sa Manila naa man symptom checking. Naa manay thermal scanner. So the fact nga nkacheck-in sila nakaagi sila sa mga symptom checking, scanner asymptomatic sila," ani Duterte-Carpio.
(Galing ng Manila. Posibleng asymptomatic sila kasi me symptom checking doon.)
Kasalukuyan nang minomonitor ang mga nasabing pasahero.
Inaunsyo rin ng Davao City government na gagamit na sila ng QR code system para sa mga darating na pasahero sa Davao airport.
Alinsunod ito sa no-contact at paperless na pagrerekord ng mga dumadating na pasahero sa lungsod gayundin ang resulta ng kanilang test results.
Ibig sabihin, required ang mga pasahero na gumamit ng smartphone, internet connection at magpakita ng valid ID, boarding pass at negative RT- PCR test result kung mayroon man sila.
“May test run from Oct. 7-11, then mandatory na siya by October 12,” dagdag pa ni Duterte-Carpio.
Sa ngayon, may sarili nang RT-PCR laboratory ang Davao airport. Dadalhin muna sa mga quarantine facility ang mga pasaheromg isinailalim sa test habang hinihintay ang kanilang resulta.
Nitong Biyernes, umabot na sa 1,818 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod mula noong Marso. Sa bilang na ito, 286 ang active cases.
- ulat ni Vina Araneta, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Davao City, Davao City coronavirus cases, Davao City COVID-19 cases, Sara Duterte-Carpio, Tagalog news