P544 milyong halaga ng 'shabu', nasamsam sa hotel sa Pasay City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

P544 milyong halaga ng 'shabu', nasamsam sa hotel sa Pasay City

P544 milyong halaga ng 'shabu', nasamsam sa hotel sa Pasay City

Michael Delizo,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Nasamsam ng mga awtoridad ang nasa P544 milyong halaga ng ilegal na droga sa isang shabu laboratory umano sa loob ng isang hotel sa Pasay City.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, aabot sa 10 kilo ng liquid shabu at 70 kilo ng crystalized shabu ang nakumpiska.

Ayon sa PDEA, ito na ang pinakamalaking kitchen-type shabu laboratory na nadiskubre nila ngayong taon.

Ang pagsalakay sa hotel ay kasunod ng serye ng anti-drug operation ng PDEA sa 5 Chinese na sangkot umano sa ilegal na droga.

ADVERTISEMENT

Unang naaresto ang isa nilang kasamahan sa service road ng Roxas Boulevard sa Maynila nitong Lunes.

Meron siyang dalang P170 million na halaga ng shabu.

Sumunod naaresto ang 2 facilitator o handler ng grupo sa Macapagal Boulevard sa Parañaque City kaninang alas-5 ng madaling-araw.

Nasa P13.6 million na halaga shabu ang bukod pang nasabat sa kanila.

Naaresto naman ang 2 chemist sa harap ng hotel sa Maynila alas-9 ng umaga.

Meron naman silang P6.8 million na halaga ng shabu.

Sinasabing miyembro ng malaking international drug syndicate ang mga naarestong dayuhan.

Bago raw nilang modus ang mag-operate sa mga high-end na lugar para makaiwas sa mga awtoridad. Pero hindi ito nakalusot sa 4 na buwang surveilance ng PDEA nang may matanggap silang tip.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.