2 bayan sa Surigao del Norte, niyanig ng lindol

Lorilly Charmane Awitan, ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2018 03:12 PM

BUTUAN CITY – Niyanig ng lindol ang dalawang bayan ng Surigao del Norte ngayong Martes.

Magnitude 4.6 na lindol ang yumanig sa General Luna alas-12 ng tanghali.

Sa rekord ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang epicenter ng lindol ay nasa 31 kilometro northeast ng General Luna.

May 17 kilometro naman ang lalim ng lindol na tectonic ang origin.

Nauna rito, niyanig ng magnitude 4.8 and bayan ng Burgos pasado alas-10 ng Martes ng umaga.

Wala namang naiulat na intensities at pinsala sa nasabing mga pagyanig.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.