Biritero, nakuryente sa mikropono, patay

ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2017 04:10 PM

Patay ang isang karpintero matapos makuryente habang kumakanta sa Ilocos Norte.

Bibirit sana ang karpinterong si Rufo Orio sa isang videoke bar sa munisipalidad ng Dumalneg nang makuryente siya sa mikropono.

Agad na dinala sa pagamutan ang biktima pero idineklara siyang dead on arrival.

Sinisilip pa ng mga awtoridad kung anong pananagutan ng may-ari ng videoke sa insidente.

Paalala rin nila sa mga may-ari ng videoke bar, laging inspeksiyonin ang mga koneksiyon ng videoke machine upang maiwasang makuryente ang mga gagamit nito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.