Comelec pinag-iisipan na ang voter registration extension
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Comelec pinag-iisipan na ang voter registration extension
ABS-CBN News
Published Sep 24, 2021 08:56 PM PHT

MAYNILA — Nagpatawag ng biglaang management committee meeting ang Commission on Elections (Comelec) sa susunod na linggo para talakayin ang hirit ng Kongreso at ilang sektor na palawigin ang voter registration.

"The management committee meeting is tasked to basically game out every scenario, to see what sort of effect an extension would have. We’re going to talk about all kinds of extensions, all periods... Nakikinig tayo sa sentimyento ng publiko," ani Comelec spokesman James Jimenez.

Aalamin sa pulong kung kakayanin ng Comelec ang mag-extend pa, at kung anong mga paghahanda sa 2022 ang maaapektuhan.

Gagawa ng rekomendasyon ang management committee sa en banc, na inaasahang maglalabas ng desisyon sa Setyembre 29, o isang araw bago ang kasalukuyang Sept. 30 deadline.

Bago nito, samu't saring tawaran ang ginawa ng Comelec officials para makumbinse ang Kongreso na hindi nila kakayanin ang 1 buwan extension.

Ayon sa Comelec, kaya nilang buksan nang isa pang linggo ang registration pagkatapos ng paghahain ng COC, o matapos ang Oktubre 8.

Tinanggihan naman ito ng mga mambabatas dahil malayo daw ito sa gusto nilang 1 buwan.

Kasalukuyang may mga panukalang nakabinbin sa Senado at Kamara para mapilit ang Comelec na iatras ang petsa ng deadline ng voter registration.

—Ulat ni Ina Reformina, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
TV PATROL TOP
Comelec
voter registration
voter
halalan
halalan2022
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT