Hinihinalang holdaper, patay sa Malate, Maynila | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Hinihinalang holdaper, patay sa Malate, Maynila

Lyza Aquino,
ABS-CBN News
Published Sep 24, 2017 08:12 AM PHT

MANILA - Patay ang isang hinihinalang holdaper matapos umano itong makipagbarilan sa mga pulis sa kalye ng Mabini sa Malate, Maynila Linggo ng madaling araw.

Ayon kay Senior Inspector Dave Garcia ng Roxas Boulevard PCP, nakatanggap sila ng tawag mula sa biktima na si Nikka Dogma pasado 2:50 AM.

Kwento ni Dogma, naghihintay siya ng masasakyang jeepney nang tutukan siya ng baril ng suspek sa kanyang tagiliran.

Dun kinuha ng suspek ang cellphone at pitaka ni Dogma.
Dun kinuha ng suspek ang cellphone at pitaka ni Dogma.
ADVERTISEMENT
Nang maabutan ng pulis ang lalaki ay bumunot umano ito ng baril at nagpaputok. Gumanti umano ng putok ang mga pulis at natamaan sa dibdib ang suspek.

Itinakbo pa sa Ospital ng Maynila ang suspek ngunit idineklara itong dead on arrival pasado 3:25 AM.

Nakalap sa pinangyarihan ng krimen ang isang kalibre .38 na baril, habang nakuha naman sa suspek ang isang balisong, mga ID at dalawang sachet ng hinihinalang shabu.