Mga sasakyang lumabag sa traffic protocols hinuli sa Parañaque | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga sasakyang lumabag sa traffic protocols hinuli sa Parañaque

ABS-CBN News
Published Sep 23, 2020 01:29 PM PHT

MAYNILA - Hinuli ng mga tauhan ng Inter-Agency Council for Traffic (IACT) ang mga colorum na bus at van na lumalabag sa traffic protocols sa Roxas Boulevard sa Parañaque.

Bukod sa tamang distansiya sa mga sakay ng mga bus, nais tiyakin ng IACT na walang bumibiyaheng colorum na sasakyan.

Hinuli rin ang iba pang sasakyan na may paglabag gaya ng kulang na ilaw, sobra-sobrang sakay, at iba pa.

May mga pinarang van na may tarpaulin ng government agency pero napatunayan namang service vehicle ito na inupahan ng gobyerno.

Isang bus at apat na van ang in-impound ng IACT sa operasyon, habang 12 ang natiketan sa iba’t ibang paglabag.

— Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
IACT
bus
van
quarantine protocols
Parañaque
transport
Parañaque transportation
Parañaque traffic
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT