Publiko hinikayat na tangkilikin ang libreng bakuna vs polio | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Publiko hinikayat na tangkilikin ang libreng bakuna vs polio

Publiko hinikayat na tangkilikin ang libreng bakuna vs polio

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Noong Linggo lang nabalitaan ni Denise Acapulco na mayroon na namang polio sa Pilipinas, halos 2 dekada matapos ideklara ng World Health Organization na polio-free ang bansa.

Agad dinala ni Acapulco ang kaniyang anak sa health center sa kanilang barangay sa Marikina City nang malamang may libreng bakuna kontra polio.

"Natatakot kasi baka magkaroon si baby. Mahirap kasi 'yong polio," ani Acapulco.

Samantala, hindi pa nabakunahan ang anak ni Rovelyn Balaga pero uunahin na raw niya ang oral polio vaccine (OPV).

ADVERTISEMENT

"Mas masakit sa'kin parang gusto ko sa'kin na lang lahat ng sakit niya," ani Balaga.

Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na tangkilikin ang mga libreng bakuna kontra polio, lalo para sa mga batang may edad 5 pababa.

Sa Oktubre 14 at 15 isasagawa ang malawakang pagbabakuna kontra polio na nakatuon sa Metro Manila, Calabarzon, Davao at Lanao del Sur.

Ayon sa DOH, kailangang mabakunahan ulit ang mga bata laban sa Type 2 polio virus, na matagal nang hindi ibinigay dahil matagal nang wala sa bansa.

Type 2 polio virus ang nakita sa 2 bata mula Lanao del Sur at Laguna na nagpositibo sa polio noong nakaraang linggo.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, peligroso ang vaccine-derived polio virus o iyong virus na galing sa bakuna na idinumi ng isang bata.

"'Yong vaccine na derived na polio, kapag continuous siyang nagsi-circulate, nakakain, naidudumi, nakakain, nadudumi, every year may small percentage ng mutation," ani Domingo.

"After a while nagkakaroon ng possibility na magiging pathogenic siya ulit, bumabalik 'yong ability niya to infect," paliwanag ni Domingo.

Ang polio ang ikatlong sakit sa bansa ngayong taon na idineklarang may outbreak kasunod ng tigdas at dengue.

"Marami nang hindi takot sa polio kasi wala na silang nakikitang may polio ngayon," ani Domingo.

"Hindi naman puwedeng kung kailan may outbreak saka tayo babakunahan," dagdag ni Domingo. -- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.