Mga senador nadismaya sa TESDA | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga senador nadismaya sa TESDA

Mga senador nadismaya sa TESDA

Arra Perez,

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 22, 2023 10:01 AM PHT

Clipboard

MAYNILA - Nadismaya ang ilang mga senador sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) dahil umano sa kakulangan ng kahandaan sa ikalawang beses nilang pagharap sa budget hearing.

Unang nagisa ang TESDA nang magbigay ng paligoy-ligoy na sagot tungkol sa kung paano pwedeng mag-avail ng kurso sa farm school ang mga interesadong rice farmers.

"It is the Department of Agriculture who handles all the rice farmer registry. We just implement the RCEF (Rice Competitiveness Enhancement Fund)," ani TESDA Deputy Director General Aniceto Bertiz III

"Nagulat lang ho ako. Kasi kung lumapit sa TESDA, itataboy natin? 'Ah hindi, kailangan sa registry kayo, punta kayo sa DA'," ayon naman kay Majority Floor Leader Sen. Joel Villanueva.

ADVERTISEMENT

Paliwanag pa ni Bertiz, nakasaan umano sa batas na sa DA dapat nagpaparehistro ang mga rice farmer.

May P700 milyong pondo ang TESDA mula sa RCEF, na ginagamit nila para sa training ng rice farmers sa mga TESDA-accredited na government at private instiutions, maging sa allowance ng rice farmers.

Ang DA naman ang nakatoka sa pagtukoy ng mga magsasakang pwedeng lumahok sa programa.

Muling napag-initan ang TESDA nang hindi nito agad maipaliwanag ang ibig sabihin ng "community-based trainings".

Samantala, pinasisiguro ni Sen. Sherwin Gatchalian sa TESDA na kakayanin nitong i-assess at kalauna'y i-certify ang nasa 470,000 senior high school students na kumukuha ng technical vocational strand dahil popondohan ito ng P1.3 bilyon ng pamahalaan.

"We're giving TESDA advanced notice that we will fund this. But we have to start the process of getting assessors to assess the 470,000 senior high schools. Because we don't want an answer na hindi namin kaya. Because we already generated the funds. It's up to TESDA now to generate the assessors," ani Gatchalian.

"My proposal supposed to be, iyong district supervisor office (of schools division), ite-train natin as assessor kasi sila po ay nagsusweldo na po sa DepEd. So we will just give them knowledge," sagot ni TESDA Director General Suharto Mangudadatu.

Pinagsusumite ni Gatchalian ng rollout plan ang TESDA para rito.

Plano na ring mag-alok ng ahensya ng diploma course sa cybersecurity, na ie-endorso na sa board of directors sa Oktubre.

Sinabi ni Mangudadatu na pinagpapaliwanag din niya ang ilang pribadong techvoc training centers na wala umanong accreditation mula sa TESDA.

Sa huli, inaprubahan din naman ang P15.2 bilyong alokasyon ng TESDA sa 2024 National Expenditure Program.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.