Lalaki, patay sa pamamaril sa Quezon City | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki, patay sa pamamaril sa Quezon City

Jervis Manahan,
ABS-CBN News
Published Sep 21, 2020 12:55 AM PHT

MAYNILA - Patay ang isang 25-anyos na lalaki na kinilalang si Alejandro Lauron Jr. matapos pagbabarilin sa isang madilim na eskinita sa Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Pasado alas-7 ng gabi ng pagbabarilin ang lalaki sa Steve Street, na malapit lang sa kanilang bahay.

Kwento ng ina ng biktima, kakaligo lang ni Lauron at lumabas sa kanilang bahay para pumunta sa birthday ng pamangkin sa katabing bahay.

Tatlong tama ng bala ang pumatay sa 25 anyos na si Alejandro Lauron Jr.
Dikit dikit ang mga bahay sa paligid ng Steve Street sa Brgy. Commonwealth pero wala kahit isang nakakita sa gunman. @ABSCBNNews pic.twitter.com/xrdxRZECUN
— Jervis Manahan (@JervisManahan) September 20, 2020

Wala pang 15 minuto, may tumawag sa ina ng biktima para sabihing pinagbabaril nga ang lalaki.

ADVERTISEMENT
Tatlong tama ng bala ang pumatay kay Lauron.

Sugatan naman ang isang lalaking kasama niya.

Kahit na dikit-dikit ang mga bahay at maraming tao sa paligid, wala ni isang nakakita sa gunman.

Ayon kay "Ellen", nakarinig lang siya ng anim na sunud-sunod na putok.

Inakala niyang ordinaryong paputok lang pero biglang nagsigawan ang mga tao nang makitang patay na ang lalaki.

Walang ideya ang kaanak ni Lauron kung bakit pinatay ang biktima.

Suma-sideline lang umano ang lalaki bilang pintor sa construction. Wala naman umanong kaaway ito. Tatlong beses na raw dinala ito dati sa ospital dahil sa sakit na schizophrenia.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng QCPD Station 6 ang insidente.