2 lalaki pinaulanan ng bala habang bumibili ng pintura sa Laguna | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 lalaki pinaulanan ng bala habang bumibili ng pintura sa Laguna

Dennis Datu,
ABS-CBN News
Published Sep 21, 2020 02:57 PM PHT

BIÑAN CITY, Laguna — Patay ang 2 lalaki sa lungsod na ito noong Linggo matapos silang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin.

Dalawa ang patay nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang salarin habang bumibili ng pintura sa Brgy. Canlalay, Biñan City, Laguna. pic.twitter.com/2RLfdyvlu2
— Dennis Datu (@Dennis_Datu) September 20, 2020

Nangyari ang insidente sa Barangay Canlalay, habang bumibili ng pintura sa hardware store ang mga biktima, na kinilalang sina Lope Espejo, Jr. at Randy Avila.

Ayon sa imbestigasyon, sakay ng isang SUV na walang plaka ang nasa 3 hanggang 4 na gunmen.

Sabi ni Patrolman Mikelle Cabrera, imbestigador sa Biñan police, nakasuot ng bonnet at mask ang mga salarin.

ADVERTISEMENT
Batay daw sa ulat ng pulisya, si Espejo ay lider umano ng isang gun-for-hire group at dawit daw sa extortion sa mga vendor sa Biñan City Public Market.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa krimen at kung ano ang motibo dito.