SOCO: Beautician pinatay sa saksak; krimen kinuhanan pa ng video | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SOCO: Beautician pinatay sa saksak; krimen kinuhanan pa ng video

SOCO: Beautician pinatay sa saksak; krimen kinuhanan pa ng video

ABS-CBN News

Clipboard


MAYNILA — Patay ang isang 30 anyos na beautician matapos siyang pagsasaksakin sa loob ng inuupahang kuwarto sa Malabon City noong Mayo 6.

Kinilala ang biktima na si Heart Pontanes na nagtatrabaho sa isang salon.

Isinugod pa sa ospital ang biktima ngunit binawian din ng buhay dahil sa lubha ng tinamong pinsala sa katawan.

Sa resulta ng medico-legal examination, lumabas na nagtamo si Heart ng 15 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ito rin ang direktang ikinamatay ng biktima.

ADVERTISEMENT

Ilang potensiyal na testigo sa krimen ang nakausap ng mga pulis.

"Nakausap namin ‘yung mga kapitbahay ng biktima. Mayroon nga daw 2 lalaki na tumakbo. Lumabas sa inuupahang kuwarto ng biktima," ayon kay Police Cpl. Joenel Claro ng Malabon police.

Nakakalap din ng ilang ebidensiya ang mga pulis sa crime scene. Kabilang na rito ang isang kitchen knife na hinihinalang ginamit sa krimen.

Natagpuan din sa crime scene ang cellphone ng biktima at isa pang cellphone na pinaniniwalaang pag-aari ng isa sa mga suspek.

Sa tulong ng mga salaysay ng mga testigo, napangalanan at natunton ng Malabon police ang 2 lalaki.

ADVERTISEMENT

Noong una'y itinanggi pa ng 2 lalaki na kanila ang isa pang cellphone, pero nabatid ng mga pulis ang kanilang pagsisinungaling.

Nang buksan kasi ng mga pulis ang cellphone, naglalaman pala ito ng isang 30 minutong video recording ng aktuwal na pagpatay nila sa biktima.

Sundan ang buong kuwento sa "SOCO: Scene of the Crime Operatives" ngayong Sabado, Setyembre 21, 4:15 p.m. pagkatapos ng "Ipaglaban Mo!" sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.