Pulis patay sa pamamaril sa Sorsogon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulis patay sa pamamaril sa Sorsogon
Pulis patay sa pamamaril sa Sorsogon
Karren Canon,
ABS-CBN News
Published Sep 21, 2018 01:16 PM PHT

IROSIN, Sorsogon - Dead on the spot ang isang pulis matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang lalaki habang nasa isang motorcycle shop sa Barangay San Pedro dito sa bayan, Huwebes ng hapon.

Ayon sa pulisya, naka-duty si PO1 Michael Villalobos at nagpalaam lang na uuwing saglit ng bahay. Pagkabalik sa istasyon ng pulis, nagkaproblema ang motorsiklo nito kaya napadaan sa isang motorcycle shop.

Kinikilala pa ng pulisya ang dalawang salarin na nakunan ng CCTV.

Posibleng may kinalaman sa pamamaril ang trabaho ni Villalobos bilang isang intelligence operative.
Posibleng may kinalaman sa pamamaril ang trabaho ni Villalobos bilang isang intelligence operative.
ADVERTISEMENT
Aktibo umano ang biktima pagdating sa kampanya ng pulisya laban sa mga ilegal na aktibidad sa bayan gaya ng illegal drugs at illegal logging.

Hindi rin inaalis ng pulisya ang posibilidad na may kinalaman ang New People's Army sa pamamaril lalo pa't noong nakaraang taon pa may banta umano ang grupo sa biktima.

Tiniyak naman ng awtoridad na gagawin nila ang lahat para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Villalobos na nasa pitong taon na rin sa serbisyo bilang pulis.