Matataas na kalibre ng baril, nakumpiska sa bahay ng bise alkalde sa Agusan del Norte | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Matataas na kalibre ng baril, nakumpiska sa bahay ng bise alkalde sa Agusan del Norte

Matataas na kalibre ng baril, nakumpiska sa bahay ng bise alkalde sa Agusan del Norte

Lorilly Charmane Awitan,

ABS-CBN News

Clipboard

CIDG13

BUTUAN CITY - Nakumpiska ang matataas na kalibre ng baril mula sa bahay ng bise alkalde ng bayan ng Kitcharao, Agusan Del Norte Huwebes.

Nakuha mula sa tahanan ni Kitcharao Vice Mayor Jenry Montante ang isang M16 rifle, dalawang magazine at 35 bala ng naturang baril.

Sa bahay naman ni Sergio Rapal, security escort ni Montante, natagpuan ang iba't ibang kalibre ng armas, mga magazine, mga bala, isang hand grenade at isang rifle grenade.

Ayon sa mga pulis, kilala umano si Rapal bilang lider ng Montes Claros criminal group na sangkot sa gun running sa Agusan del Norte.

ADVERTISEMENT

Sinampahan sina Montante at Rapal ng mga kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.