PNP magsasanay ng mga pulis para tumugon sa cybercrimes | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PNP magsasanay ng mga pulis para tumugon sa cybercrimes

Lady Vicencio,
ABS-CBN News
Published Sep 20, 2023 06:16 PM PHT

MAYNILA - Dahil sa dumaraming reklamo kaugnay sa mga cybercrime at scams, palalakasin ng Philippine National Police ang kanilang hanay pagdating sa pagtugon sa mga kasong ito.

Ayon sa PNP-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), dahil sa digitalization at pagdami ng mga Pilipinong gumagamit ng internet, dumarami rin ang nabibiktima ng cybercrimes na matatawag na raw na “scamdemic.”

Para mahikayat ang mga nabibiktima na i-report ang mga scam, mahalagang may mga cybercrime investigators ang local police stations, ayon kay PNP-ACG Spokesperson Police Lieutenant Michelle Sabino.

“Ang bilis mag-multiply kasi may mga naloloko. Para hindi na mahirapan ang mga tao, mas madaling magpunta sa nearest station na pwede namana silang i-cater,” ayon kay Sabino.

Dagdag pa n ni Sabino, paraan din ito para mas mapagtuunan ng pansin ng PNP-ACG ang mas malalaking kaso na kailangan ng major operations.

“Meron tayong major operations na kailangan ng grabeng manpower. Sa dami, hindi kakayanin ng ACG so kailangan natin ng tulong ng bawat isa,” ayon kay Sabino.

Balak ng PNP na dumaan sa pagsasanay ang mga imbestigador para sa paghawak ng cybercrime investigation.

“‘Yung mga elements ng crime itself is the same, so kaya talaga ng local. So ang idadagdag lang natin is in relation to Cybercrime Prevention Act kasi nangyari sa internet or ICT,” paliwanag ni Sabino.

Sinabi rin ng PNP-ACG na dapat maging maingat sa ibinibigay na personal na impormasyon sa mga information sheet sa mga mall, utilities, pati mga raffle para dahil posible itong maibenta sa dark web para magamit sa social engineering para makakuha ng access sa mga personal na account.

KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT