Ilang taga-Cabuyao, Laguna dumadaing sa hirap ng buhay, nanawagan ng ayuda | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang taga-Cabuyao, Laguna dumadaing sa hirap ng buhay, nanawagan ng ayuda

ABS-CBN News
Published Sep 20, 2021 09:14 PM PHT

Pumila ngayong Lunes sa palugaw ng Barangay Niugan sa Cabuyao City, Laguna si Mayma Canida. Iuuwi umano niya ang lugaw para pagsaluhan nila ng mga apo.

Driver ang anak ni Canida pero hindi makapaghanapbuhay matapos mahulog sa minamanehong truck. Senior na rin si Canida kaya hindi siya makapagtrabaho, lalo na ngayong may pandemya.

"Wala na almusal. Tanghalian na lang at hapunan dahil nga sa sobrang hirap ng buhay... minsan may kanin, walang ulam," kuwento ni Canida.

Nawalan naman ng trabaho sa Metro Manila ang asawa ni Lea Ricaplaza, residente ng parehong barangay. Dahil dito, hirap sila sa mapagkukuhanan ng pagkain.

ADVERTISEMENT
"Andiyan 'yong talagang wala ka nang makain, wala na kasi kulang 'yong ayuda," ani Ricaplaza.

Nagpapatakbo naman ng maliit na tindahan si Mercedes Quirido, na pinagkukuhanan nila ng kaniyang pamilya ng panggastos.

Huminto sa pagmamaneho ng taxi ang asawa ni Quirido dahil wala rin umano gaanong pasahero.

"Sana po mabigyan naman kami ng sapat na ayuda dito sa amin kasi marami pong naghihirap, dito lalo na 'yong mga nawalan ng trabaho," ani Quirido.

Mga dating nakatira sa gilid ng riles ng tren sa Makati at Maynila ang mga residente ng Southville 1 sa Barangay Niugan, na ngayo'y nahihirapan dhail hindi makapagtrabaho bunsod ng pandemya.

Nasa 6,000 pamilya ang nabigyan ng pagkaing lugaw ngayong Lunes pero 50,000 ang populasyon ng buong barangay.

Aminado si Dennis Hain, chairperson ng barangay, na hirap sila sa paghahanap ng pondo para sa pagbibigay ng ayuda sa mga residente.

Gamot at pagkain ang ilan sa mga kailangan ng mga residente ng barangay, ani Hain.

Kinansela na muna ang ibang mga proyekto ng barangay para matugunan ang pangangailangan ng mga residente.

Umapela naman ang mga residente ng Southville 1 na sana'y makuha nila ang hanggang P4,000 na ayuda mula sa national government na dapat matatanggap nila noong nasa ilalim pa ng enhanced community quarantine ang Laguna.

Pinaliwanag naman ni Cabuyao Mayor Mel Gecolea na hindi sapat ang pondong galing sa national government kaya humiling na sila sa Sangguniang Panlungsod ng dagdag na pondo.

— Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT