Dalagang naglalaba sa ilog, patay na nang matagpuan

ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2018 09:50 AM

BUTUAN CITY - Natagpuang patay nitong Lunes ang isang dalaga sa Barangay Anticala, Butuan City, Agusan del Norte.

Nagtamo ng tama ng taga sa leeg at kamay si Almera Rapisora, 20-anyos.

Ayon sa pulisya, huling nakita ang biktima noong Linggo na naglalaba sa ilog.

Naalarma ang kaniyang pamilya matapos hindi makauwi si Rapisora hanggang sa matagpuan ang katawan nito sa damuhang bahagi ng Sitio Sinaca.

Inaresto ng mga pulis si Baleriano Timtim na siya umanong responsable sa krimen.

Positibong kinilala si Timtim na siyang tumaga kay Rapisora, pero itinanggi ito ng suspek.

Palaisipan pa sa mga pulis ang motibo sa krimen, pero sinampahan na ng kasong murder ang suspek. - Ulat ni Lorilly Charmane Awitan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.