Lugar sa Baywalk na tinambakan ng white sand, 2 araw na bubuksan sa publiko | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Lugar sa Baywalk na tinambakan ng white sand, 2 araw na bubuksan sa publiko

Lugar sa Baywalk na tinambakan ng white sand, 2 araw na bubuksan sa publiko

Jekki Pascual,

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 19, 2020 07:42 PM PHT

Clipboard


MAYNILA— Bubuksan sa publiko nang dalawang araw ang lugar sa Baywalk sa Maynila na tinambakan ng artificial white sand.

Ito ang kontrobersyal na proyekto kung saan nilagyan ng dinurog na dolomite rock ang pampang ng Baywalk para magmukhang white sand beach ang lugar.

Ngayong araw ng International Coastal Clean Up Day, bukas sa mga bisita ang "white sand" na bahagi ng Manila Bay coast at puwedeng magpa-picture o maglakad-lakad. Bawal naman ang maligo dahil marumi pa rin ang bay.

Paalala rin sa publiko na sundin pa rin ang pinaiiral na health protocol laban sa pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, bukas ang lugar hanggang alas-6 ng gabi ng Sabado.

ADVERTISEMENT

Isasara ulit ito at bubuksan muli mula alas-5 ng umaga sa Linggo hanggang alas-6 ng gabi.

Dalawang araw lang ito bukas sa publiko at isasara muli para tuluyang tapusin ang proyekto.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa ngayon nasa higit 100 metro na ang haba nito at plano ng DENR na pahabain pa ito sa 500 metro

-- May ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.