Kaanak ng mga seafarer sa lumubog na barko sa Japan umapela ng tulong kay Duterte | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kaanak ng mga seafarer sa lumubog na barko sa Japan umapela ng tulong kay Duterte

Kaanak ng mga seafarer sa lumubog na barko sa Japan umapela ng tulong kay Duterte

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 19, 2020 10:16 PM PHT

Clipboard

MAYNILA— Umapela ng tulong kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang kaanak ng 36 na tripulanteng Pinoy na nawawala pa rin matapos lumubog ang sinasakyang cargo ship sa may Japan ngayong wala pang linaw kung ano ang sinapit ng kanilang mga mahal sa buhay.

“Kung puwede naman pong makiusap sa kanila na maghanap sana sila or mag-conduct ng search and rescue doon sa kani-kanilang jurisdiction sa kanilang mga water and island," ani Judge Fredelyn Addug-Sanchez, kapatid ni Dante Addug, na siyang kapitan ng nawawalang cargo ship.

Setyembre 2 nang lumubog ang cargo ship na naglalaman ng 43 crew, kabilang ang 39 Pinoy seafarer. Nauna nang nasagip ang dalawa sa kanilang mga kasamahan, habang isa ang natagpuang patay sa laot.

Naalala pa ni Liberty Seneres, misis ng chief engineer na si Aris Sabillana, ang huling pag-uusap nila ng kaniyang mister bago tuluyang maputol ang kanilang komunikasyon.

ADVERTISEMENT

"I just sent him a prayer, hindi ko po alam kung nabasa niya 'yun pero 'yun na po ‘yung huling pag-uusap namin,” ani Seneres.

Umapela na rin ang manning agency na Korpil sa Japanese Coast Guard na ituloy ang search and rescue operations sa mga nawawala. Itinigil ito higit isang linggo na ang nakalilipas matapos walang makitang bakas ng nawawalang barko o crew nito.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang pamahalaan sa Japanese Coast Guard at humingi na rin ng tulong sa mga kalapit na bansa.

"Sumulat po ako sa Korean Embassy, China Embassy and Taiwan [Economic and Cultural Office] requesting for assistance in conducting search and rescue operation in their respective territories partikular adjacent doon sa place na pinangyarihan ng paglubog ng barko,” ani Labor Secretary Silvestre Bello III.

Hiling ng mga kaanak: "Kahit doon lang po sa nasasakupan ng teritoryo nila. Kasi posible po kasi water current po 'yan na may mga nakasampa doon sa mga [uninhabited] island po ng mga bawat bansa po na 'yon," ani Seneres.

Samantala, naiuwi na sa bansa ang labi ng nasawing seafarer na si Joel Linao.

Iuuwi ito sa kanilang bayan sa Polomolok, South Cotabato.

— Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.