Dry run ng pamimigay ng modules sa Lanao Del Norte pahirapan umano sa ilang guro, magulang | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dry run ng pamimigay ng modules sa Lanao Del Norte pahirapan umano sa ilang guro, magulang

Roxanne Arevalo,

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 05, 2020 07:31 PM PHT

Clipboard

Malayo ang binabaybay ng mga guro sa Lanao Del Norte maitawid lang ang learning modules ng mga estudyante sa dry run ng pamimigay ng mga ito. Mga larawan mula kay Stanley Butalid at Michael Navarro

LANAO DEL NORTE - Pasan-pasan ng gurong si Stanley Butalid, guro ng Tipolo Elementary School, ang kahon na pinaglagyan ng printed modules habang tinatawid ang sapa sa bayan ng Kapatagan.

Sinisiguro niyang hindi mababasa ang mga module na ihahatid sa dalawang estudyante na nakatira sa bukirin.

Bago marating ang mga bahay ng mga estudyante, tatawid pa si Butalid sa bundok at talahiban, at naglalakad pa siya ng 2 kilometrong layo ngayong wala na siyang masaksakyan mula nang manakaw ang kanyang motorsiklo.

At para mas madaling mapuntahan ang kanyang mga estudyante sakaling may hindi sila naiintindihan sa module, sa paaralan na muna niya balak mamalagi simula Oktubre imbes na umuwi sa bahay niya sa ibang bayan.

ADVERTISEMENT

Dry run pa lang ito ng pamamahagi ng modules at distance learning noong Setyembre 12 hanggang 18 pero ganito na raw ang kanilang pinapasan.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kabilang sa kanyang nakitang malaking hamon sa distance learning ang pagtuturo ng mga magulang sa kanilang mga anak.

"Marami ang hindi nasagutan sa module dahil hindi rin alam ng magulang. Yung ibang magulang, no read no write, hindi matututukan ang pag-aaral ng mga bata dahil kailangan rin magtrabaho sa sakahan," ani Butalid.

Dahil dito, kakailangin pa rin niyang i-tutor ang mga bata at hingin ang tulong ng mga kapitbahay na nakapagtapos ng high school para tulungan ang mga ito.

"Sana huwag isipin ng mga tao na hindi na kami maghihirap sa pagtuturo dahil inaasa sa mga magulang," dagdag ni Butalid.

Walang signal sa lugar kaya para sa may kaya na mga magulang, bumili rin sila ng handheld radio para may ugnayan sa mga gurong nasa paaralan.

Nababahala rin si Butalid kung maitatawid nila ang distance learning hanggang sa katapusan ng school year.

Aabot na sa 20 reams ng bond paper ang nauubos nila para sa isang linggong module ng 95 na mga estudyante. Hiningi pa nila ito sa mga nakakaluwag na kaibigan at kamag-anak para hindi na gumastos ang mga magulang.

Nakakahiya na rin daw kasi kung patuloy na manghihingi pero masyadong malaki rin ang magagastos ng mga magulang sa lingguhang modules.

Dagdag ni Butalid, ipinag-utos sa kanila ng DepEd na magsagawa ng dry run para malaman kung ano ang mga problema na haharapin ng mga guro at mahanapan ng solusyon bago ang pagsisimula ng pasukan sa susunod buwan.

Sa bayan ng Kapatagan, ingat na ingat ang mga guro ng Darumawang Bucana Elementary School sa paghahatid ng modules.

Kailangan pa kasi nilang tumawid sa dagat at tulay na kawayan para makarating sa isang komunidad na nahiwalay sa sentro ng bayan dahil sa mga ginawang fish cages malapit dito.

Ipinatupad din nila sa mga magulang sa social distancing at hand sanitation bago nila ito hinarap.

Tuloy-tuloy ang kanilang pamamahagi ng modules kahit inabutan na sila ng high tide at nabasa ang mga binti.

Ayon sa mga guro, sisikapin pa rin nila na matuto ang mga bata sa kabila ng ipinatutupad na quarantine.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.