Pagpapasara ng Old Sta. Mesa bridge, parusa umano sa mga estudyante | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagpapasara ng Old Sta. Mesa bridge, parusa umano sa mga estudyante

Pagpapasara ng Old Sta. Mesa bridge, parusa umano sa mga estudyante

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 19, 2018 09:45 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Umalma ang ilang mga magulang sa pagpapasara ng Old Sta. Mesa bridge na nagdudugtong sa Maynila at San Juan.

Ikinagalit ng ilang mga magulang ang pagpapasara sa tulay dahil wala anilang abiso man lamang at ang kanilang mga anak na estudyante ang magdurusa.

Karamihan ng mga batang nakatira sa Sta. Mesa ay sa San Juan nag-aaral.

Lunes ng gabi nang isara ang tulay para masimulan ang pagkukumpuni nito.

ADVERTISEMENT

Maging ang pagtawid sa tulay ay ipinagbawal na.

Ayon sa mga magulang, dagdag gastos ito at oras sa biyahe sa mga estudyante.

Hiling nila na sana ay mabigyan ng pansamantalang tulay na pwedeng daanan ng mga bata papuntang eskuwelahan o di kaya ay shuttle service dahil hirap sila sa pagsakay papunta at pauwi ng kani-kanilang mga paaralan.

Nagsimula na rin ang pagpapakumpuni ng Nagtahan flyover. Sarado ang isang lane nito tuwing alas-11 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.

Nananatiling sarado naman ang Otis Bridge dahil sa patuloy na pagpapakumpuni rito.

Bukod sa mga estudyante, inaasahan rin ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga lugar na maaapektuhan ng pagpapasara ng mga nasabing tulay lalo pa't papalapit na ang Kapaskuhan. Jekki Pascual, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.