9-anyos na bata, patay matapos makalunok umano ng takip ng ballpen | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

9-anyos na bata, patay matapos makalunok umano ng takip ng ballpen

9-anyos na bata, patay matapos makalunok umano ng takip ng ballpen

 | 

Updated Sep 18, 2023 03:08 PM PHT

Clipboard

Pedro Araújo, Unsplash 
Pedro Araújo, Unsplash

MANILA — Binawian ng buhay ang 9 taong gulang bata sa Bunawan, Agusan del Sur matapos umanong makalunok ng takip ng ballpen.

Nangyari ang insidente noong Martes, Setyembre 12, ng umaga habang nasa klase ang estudyanteng si alyas "Ron".

"Parang kinagat niya yung takip kasi hindi na sumusulat ang ballpen. Parang sinipsip niya yung ballpen kasi may mga tinta na sa kanyang kamay," sabi ni Lara sa ABS-CBN News

Isinugod sa ospital sa Bunawan, Agusan del Sur si Ron dahil nahirapan itong huminga. Inilipat sa ospital sa Tagum City, Davao del Norte ang bata at dinala kalaunan sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City.

ADVERTISEMENT

Kinabukasan, Setyembre 13, pumanaw ang bata sa ospital dahil sa acute respiratory failure, batay sa death certificate nito.

"Hindi na siya naoperahan. Nilagyan lang ng tubo ang bata. Request sana namin ang immediate operation, pero namatay na ito kinabukasan," dagdag ng tiyuhin ng bata.

Dinala na sa bahay ng pamilya sa bayan ng Bunawan ang mga labi ni Ron.
Nananawagan din ng tulong pinansyal ang pamilya para mabayaran ang kulang sa hospital bill ng bata. Maaaring magpadala ng ayuda sa pamamagitan ng GCash ni Lara na 0906 3818 762.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.