Maguindanao mahahati sa 2 probinsya matapos ang plebisito | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Maguindanao mahahati sa 2 probinsya matapos ang plebisito

Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Sep 18, 2022 04:55 PM PHT

Matutuloy na ang paghahati sa probinsiya ng Maguindanao sa 2 lalawigan matapos magwagi ang botong "oo" sa plebisito roon.

Pormal na idineklara ngayong Linggo ng provincial plebiscite board of canvassers sa Maguindanao na wagi ang mga botong sumusuporta sa pagbiyak ng probinsya sa Maguindanao Del Norte at Maguindanao Del Sur.

Itinuturing na landslide ang pagkuha ng "yes" ng 706,558 o 99.27 porsiyento ng kabuuang boto. Wala pang isang porsiyento ang bumoto ng "no" o katumbas ng 5,209 boto.

Sa opisyal na resulta ng Commission on Elections (Comelec), may 8 bayan na naitalang may zero o walang boto para sa "no." Kasama rito ang Ampatuan, Pagagawan, Paglat, Mamasapano, Datu Anggal Midtimbang, Datu Abdullah Sangki, at Shariff Saydonah Mustapha at Talayan.

Ang mga nabanggit na lugar ang papasok sa Maguindanao del Sur.

Sa Datu Odin Sinsuat naman na magiging kapitolyo ng Maguindanao Del Norte, may isang boto lang para sa "hindi."

Ayon sa Comelec, umabot sa 86.93% ang voter turnout sa plebesito o 711,767 mula sa 818,790 botante.

Itinuturing ito ng Comelec na pangalawa sa pinakamalaking porsiyento na turnout sa plebisito sa Pilipinas.

Nangunguna pa rin ang turnout sa plebesito ng pagbuo sa probinsya ng Compostela Valley noong 1998 na may 89.73 porsiyento.

Dumalo sa proklamasiyon ng Comelec sa Buluan sina Governor Bai Mariam Mangudadatu at Vice Governor Bai Ainee Sinsuat, na parehong magiging gobernador ng mga bubuoing probinsya.

Ayon sa kanila, sisimulan na ang 60-day transition period para sa paglatag ng gobyerno at pondo para sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.

RELATED VIDEO
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regions
regional news
Maguindanao
plebiscite
Maguindanao del Norte
Maguindanao del Sur
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT