DOH di pa nakikita ang peak ng COVID-19 cases sa Metro Manila | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

DOH di pa nakikita ang peak ng COVID-19 cases sa Metro Manila

DOH di pa nakikita ang peak ng COVID-19 cases sa Metro Manila

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 19, 2021 02:43 AM PHT

Clipboard

Paco Market sa Maynila noong Setyembre 14. George Calvelo, ABS-CBN News/File 
Paco Market sa Maynila noong Setyembre 14. George Calvelo, ABS-CBN News/File

MAYNILA—Nakikita ng Department of Health na tumataas pa rin ang mga kaso sa Kamaynilaan.

Ito ay kasunod ng ulat ng OCTA Research Group na may nakikita silang indikasyon na bahagyang bumababa ang kaso sa Metro Manila at posibleng naabot na ang peak ng impeksyon.

Ayon sa DOH, tumaas sa 5,825 o katumbas ng 8 porsiyento ang mga kaso ng Metro Manila sa nakalipas na linggo at maaga pa umano para sabihing naabot na ang peak ng mga kaso.

Watch more in iWantv or TFC.tv

“In one of the days last week, mayroon ho tayong itinala sa NCR na almost 8,000 cases in a day. Pagkatapos po no’n, nakita ho natin na nagpatuloy siya doon sa trend na 5,000 to 5,500 cases per day. At ito pong recent days, nakita natin 5,800 naman," ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

ADVERTISEMENT

Dagdag niya: “So tataas-bababa, tataas-bababa. So, at this point, in our analysis, hindi pa ho natin nakikita na nagpi-peak na po tayo."

Sinabi rin ng DOH na 94 lugar pa rin sa bansa ang nasa Alert Level 4 ng COVID-19 monitoring, na siyang pinakamataas na alert level.

Bukod sa NCR, dapat ding bantayan ang mga mayorya ng mga rehiyon sa Luzon, ang Western Visayas, at halos buong Mindanao.

“Ito po ‘yung mga areas natin ngayon or regions na nasa high-risk case classification. Ibig sabihin, mataas pa rin po ang kanilang ADAR at saka meron ho silang positive na 2-week growth rate," ani Vergeire.

Unang sinabi ng OCTA Research sa kanilang report na may ilang magandang indikasyon na naabot na ang peak o pinakamataas na kaso sa Metro Manila.

Bumaba anila ang reproduction rate o bilang ng nahahawa sa 1.22 mula Setyembre 11 hanggang 17 mula 1.39 sa nakaraaang linggo.

Nasa 24 porsiyento naman ang positivity rate, habang bumaba sa 6,100 ang okupadong mga kama sa ospital.

Prayoridad na ngayon ng pamahalaan na ibuhos ang suplay ng mga bagong-dating na bakuna sa mga probinsiya ngayong marami na ang nabakunahan sa NCR. — Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.