Planong AI program ng AMLC, di muna itutuloy dulot sa budget cuts | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Planong AI program ng AMLC, di muna itutuloy dulot sa budget cuts

Planong AI program ng AMLC, di muna itutuloy dulot sa budget cuts

Robert Mano,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Hindi muna matutuloy ang planong artificial intelligence program ng Anti-Money Laundering Council dahil sa mga budget cut sa nasabing ahensiya.

Sa pagharap ng AMLC sa Senado Huwebes para sa kanilang 2021 national budget, sinabi ni executive director Mel Georgie Racela na kahit pa natapyasan ng 35 porsyento ang kanilang pondo ay hindi maaapektuhan ang kanilang mga programa.

Pero iginiit niya na dahil sa budget cut mula P130 milyon nitong taon sa P85 milyon budget para sa susunod na taon, ay hindi na muna nila magagawa ang planong artifical intelligence sa pagsusuri ng mga hinihinalang ilegal na transakyon.

May budget aniya ito na P71 milyon, pero inalis ito ng budget department kaya tuloy sila sa manu-manong pagsusuri ng mga binabantayang transakyon.

ADVERTISEMENT

Nang tinanong naman ni Sen. Franklin Drilon si Racela kaugnay sa online casino, sinabi nito na batay sa kanilang pag-aaral sa online casino, partikular ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ang total inflow at outflow sa POGO at service providers ay umabot sa P52 bilyon kung saan ang total net inflow ay P17 bilyon kaya masasabi na ang impact nito sa ekonomiya ay mababa.

Sa 62 licensed na mga POGO, 26 aniya ang pareho ang address ng kanilang service providers na nangangahulugan na magkakapareho ang mga lisensya.

Ayon kay Racela, dapat may kaniya-kaniyang service provider dito sa bansa ang bawat POGO para kahit wala sila sa Pilipinas ay makikinabang pa rin ang bansa sa kanilang operasyon.

Samantala, inisa-isa naman ni Sen. Imee Marcos ang umanong kapalpakan ng AMLC .

Kabilang aniya dito ang P167 milyon na UCPB cyber-heist na hanggang ngayon ay hindi pa rin na-trace ang pinagmulan.

Ang P210 milyon na ipinasok sa bansa ng mga online casino operators at ang $100,000 threshold sa online gaming operation gayong ang global threshold ay $10,000 lamang.

Sagot ni Racela, kailangan nilang makakuha ng court order para ma-trace ang P167 milyon na ipinasok ng Nigerian syndicate.

Hinihintay rin daw nila ang Bureau of Customs na mag-file ng smuggling cases sa mga casino operators na nagpasok ng malaking pera sa bansa.

Maaari naman aniyang babaan ng AMLC sa $10,000 ang threshold sa online gaming operation.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.