Bata natagpuang palutang-lutang sa dagat sa Davao City | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bata natagpuang palutang-lutang sa dagat sa Davao City

Bata natagpuang palutang-lutang sa dagat sa Davao City

Claire Cornelio,

ABS-CBN News

Clipboard

Natagpuang patay at palutang-lutang sa dagat ang isang 10 anyos na bata sa Barangay Matina Aplaya sa Davao City nitong Lunes, Sept. 16, 2019. Kuha ng Talomo Police Station

DAVAO CITY - Natagpuang palutang-lutang ang isang 10 anyos na bata sa dagat sa Barangay Matina Aplaya sa lungsod na ito nitong Lunes.

Ayon sa nakakita na backhoe operator na si Junie Pacatang, palutang-lutang ang bangkay ni Cyrus Guerta nang makita niya ito habang siya ay kumukuha ng buhangin mula sa dagat.

"Alam ko kasi nabalita na may nalunod na bata kaya nakita ko na tao kaya tinawag ko mga kasama ko at kinuha ko siya gamit ang backhoe," ani Pacatang.

Ayon sa pulisya, linggo pa ng hapon nawala ang bata matapos maligo sa dagat kasama ang kaniyang mga kapitbahay.

ADVERTISEMENT

Sa imbestigasyon, walang nakitang foul play sa pagkamatay ng bata bukod sa pasa sa ulo dahil sa tama sa pagkabagok sa seawall.

"Sabi ng witness, naligo ang biktima sa dagat at nabagok siya sa seawall dahil sa lakas ng hampas ng alon. Nahimatay siya kaya 'yon ata ang dahilan ng pagkalunod niya," sabi ni Police Lt. Rene Caras ng Talomo Police.

Abiso ng mga awtoridad na huwag munang maligo sa dagat dahil sa laki ng alon bunsod ng habagat.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.