'Napakaluwag sa damdamin': Mga deboto masaya sa pagbubukas ng mga simbahan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Napakaluwag sa damdamin': Mga deboto masaya sa pagbubukas ng mga simbahan

'Napakaluwag sa damdamin': Mga deboto masaya sa pagbubukas ng mga simbahan

ABS-CBN News

Clipboard

Quiapo Church sa unang araw ng pagbabalik-operasyon ng mga simbahan ngayong Setyembre 16. George Calvelo, ABS-CBN News
Quiapo Church sa unang araw ng pagbabalik-operasyon ng mga simbahan ngayong Setyembre 16. George Calvelo, ABS-CBN News

MAYNILA - Nabuhayan ng loob ang ilang deboto na muling mapayagan ang physical religious services sa mga simbahan, matapos ang isang buwan.

LINK: https://news.abs-cbn.com/video/news/09/16/21/mga-deboto-muling-nakapagmisa-sa-loob-ng-quiapo-church

Kasama ang religious gatherings sa mga pinapayagan sa ilalim ng Alert Level 4; 30 porsiyentong kapasidad ang pinapayagan outdoor habang 10 porsiyento ang pinapayagang indoor.

Agad na dumiretso sa Quiapo Church si Dolores Paculan matapos mabakunahan ng ika-2 dose ng COVID-19 vaccine.

ADVERTISEMENT

"Masaya po ako kasi ako talaga, maka-Diyos ako," ani Paculan.

Napaiyak naman ang debotong si Evelyn Angeles nang muling makapasok sa simbahan.

"Napakaluwag sa damdamin, napakasarap nagpatuloy siya. Napakasarap talaga, kasi panata talaga ko 'yan ilang taon na—marami nang taon. Nagpapasalamat ako sa Diyos," ani Angeles.

Pero ang di pa bakunadong si Amelia Cerbito, nanatili na lang sa labas ng simbahan.

"Hindi pa ako nabakunahan kasi nasa stage 5 po ako kidney chronic disease kagagaling ko lang ng PGH. Dito na lang ako mag-aantay, magdadasal kung ano hinihiling ko ngayon sa kalusgan ko na lumakas," ani Cerbito.

ADVERTISEMENT

Ayon sa pamunuan ng Quiapo Church, kakaunti lang ang nagmisa ngayong araw. Pero sa Biyernes inaasahan ng simbahan na dadami ang bilang ng mga nagsisimba, kaya dodoblehin anila ang bilang ng mga nagbabantay.

Kakaunti lang din ang nagsimba sa Sto. Niño de Tondo Parish, kung saan ang ilang nagsisimba ay mas piniling sa labas na lang ng Simbahan makinig ng misa.

Sa pagsisiyasat ng Manila Police District, naging maayos at organisado ang unang araw ng pagbabalik ng limitadong religious gatherings.

Karamihan anila sa mga nagsimba ay mas sumusunod na sa health protocols, ayon kay MPD spokesperson Police Capt. Philipp Ines.

Paalala ng MPD sa mga nagsisimba na dalhin ang vaccination card at sumunod sa health protocols.

-- Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.