Pastor patay sa pamamaril sa Basilan

ABS-CBN News

Posted at Sep 16 2020 11:11 PM

Patay ang isang Baptist pastor matapos siyang pagbabarilin sa Barangay Badja, bayan ng Tipo Tipo, Basilan, Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima bilang si Dennis De Villa.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, kinuha pa ng mga salarin ang motorsiklo ni De Villa bago tumakas.

Nagtamo ang biktima ng sugat sa ulo na kaniyang ikinamatay.

Nag-iimbestiga na ang pulisya para sa posibleng pagkakakilanlan ng mga salarin.

- ulat ni Leizel Lacastesantos

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.