Bgy. chair sa Tanza, Cavite pinagbabaril sa loob mismo ng outpost | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bgy. chair sa Tanza, Cavite pinagbabaril sa loob mismo ng outpost

Dennis Datu,
ABS-CBN News
Published Sep 16, 2020 05:35 PM PHT

MAYNILA — Patay ang chairman ng Barangay Calibuyo ng Tanza, Cavite nang pagbabarilin siya sa loob mismo ng kanilang outpost nitong Miyerkoles umaga.

Brgy. Chairman ng Brgy. Calibuyo, Tanza, Cavite patay nang pagbabarilin sa loob ng brgy. outpost pic.twitter.com/JA62ELCiXf
— Dennis Datu (@Dennis_Datu) September 16, 2020

Naitakbo pa sa Divine Grace Hospital pero binawian din ng buhay ang biktimang si Angelito Centeno, 60.

Nagtamo ang biktima ng isang tama ng bala sa kamay at dalawa sa likod na tumagos sa tiyan.

Sa imbestigasyon, kararating lamang ng biktima sa outpost at habang nag-aayos ay biglang pinaulanan ng bala ng isang gunman. Inilusot umano ng suspek ang baril sa bintana ng outpost.

ADVERTISEMENT
Tumakas ang gunman gamit ang nakaantabay na motorsiklo at driver nito.

Makalipas ang ilang oras, naaresto sa checkpoint sa bayan ng Indang ang drayber ng motorsiklo na hindi muna pinangalanan ng mga pulis.

Positibong kinilala ng testigo ang naturang drayber na dati na umanong sangkot sa kasong homicide at illegal drugs.

Inaalam pa rin ang motibo ng krimen, bagama't nagtataka ang mga kaibigan ng biktima sa pangyayari.

"Sa bait ng taong yun, hindi namin akalain na may magagalit pa doon. Hindi naman nagkukuwento sa amin kung may kaaway o wala," ani barangay councilor Mario Estacion.

Tinutugis pa ang gunman.
Tinutugis pa ang gunman.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT