280 distressed Pinoys sa Lebanon, nakauwi na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
280 distressed Pinoys sa Lebanon, nakauwi na

Jerome Fadriquela | TFC News
Published Sep 15, 2021 04:52 PM PHT

BEIRUT - Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Lebanon ang repatriation ng 280 distressed at undocumented Filipinos noong September 12, 2021.

Isinabay sila sa sweeper flights na lumapag muna sa Manama, Bahrain bago tumuloy sa Maynila. Lulan ng isang Airbus A380 ang grupo. Ito na ang pinakamalaking batch ng repatriates ng distressed at undocumented Pinoys sa Lebanon na tinulungan ng Philippine Embassy sa Beirut ngayong taon.

Dalawa sa repatriates ang may medical condition at limang repatriates ay galing sa Syria na sumabay sa mga taga Lebanon. Mismong si Philippine Ambassador to Lebanon Raymond Balatbat ang naghatid sa repatriates sa Beirut Rafic Hariri International Airport (BRHIA).

Nagpasalamat ang repatriates sa tulong na ibinigay sa kanila ng Assistance-to-Nationals (ATN) section ng embassy. Ang ATN section ang nag-asikaso ng kanilang migration related legal, medical at social welfare concerns. Karamihan sa mga nakauwi ay shelter wards ng Migrant Workers and Other Filipinos Resource Center (MWOFRC) ng Philippine Embassy.

Umabot na sa maximum capacity ang MWOFRC kaya naging malaking tulong ang repatriation flight para lumuwag ang facility. Dumating ang repatriates sa Maynila noong September 13, 2021 at dagliang sinundo at tinulungan ng mga kawani ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs ng DFA (DFA-OUMWA).

Para sa mga nagbabagang balitang tungkol sa ating mga kababayan sa Lebanon, tumutok lang sa TFC News sa TV Patrol.

Source: DFA website
Source: DFA website
Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT