TINGNAN: Ilang bahay sa San Mateo lubog na sa baha | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TINGNAN: Ilang bahay sa San Mateo lubog na sa baha

ABS-CBN News
Published Sep 15, 2018 12:26 PM PHT

Mga bahay sa Barangay Banaba sa San Mateo sa Rizal lubog sa tubig bunga ng pagtaas ng ilog ng San Mateo. pic.twitter.com/wAN8xgSu74
— Abner Mercado (@AbnerMercado) September 15, 2018

MAYNILA - Nalubog sa baha ang ilang bahay sa Barangay Banaba sa bayan ng San Mateo, Rizal, Sabado ng umaga.

Ito ay bunsod ng pagtaas ng lebel ng tubig na mula sa Marikina River dala ng tuloy-tuloy na pag-ulan dahil sa bagyong Ompong.

Nasa 49 pamilya o higit sa 200 indibwal mula sa nasabing barangay ang inilikas sa multi-purpose covered court.

49 pamilya 241 indibidwal na residente ng Doña Pepeng Barangay Banaba sa San Mateo Rizal lumikas na sa multi purpose covered court bilang pre emptive evacuation bunsod ng pagtaas ng Ilog San Mateo. pic.twitter.com/g19Almk9vr
— Abner Mercado (@AbnerMercado) September 15, 2018
49 pamilya 241 indibidwal na residente ng Doña Pepeng Barangay Banaba sa San Mateo Rizal lumikas na sa multi purpose covered court bilang pre emptive evacuation bunsod ng pagtaas ng Ilog San Mateo. pic.twitter.com/g19Almk9vr
— Abner Mercado (@AbnerMercado) September 15, 2018
Umabot na rin ang tubig hanggang sa mga bahay sa gilid ng ilog. Pumasok ang tubig sa mga bahay sa Barangay North Libis kahit na may harang na dike.

Ang ilan sa mga residente ay nagsimula nang lumikas at pumunta sa mga evacuation centers tulad ng Doña Pepeng Elementary School, covered court ng Barangay Libis North, Johia Church, at Charles Science Integrated School.

Sa pagtataya ng barangay, nasa 1,000 pamilya na ang nasa evacuation site.

Nanawagan naman ang evacuees ng tulong partikular na ang paglalagay ng mga portalet dahil hindi sapat ang mga palikuran dito.

Malaking tulong din kung magpapadala ng tent dahil ang mga nasa covered court ay nababasa pa rin ng ulan dahil na rin sa lakas ng ihip ng hangin.

Ayon sa tauhan ng barangay, hanggang baywang na ang tubig na nasa may Libis North.

Mabilis ang agos ng kulay tsokolateng tubig ng Marikina River dito sa San Mateo. - Ulat nina Abner Mercado at Fred Cipres, ABS-CBN News