TINGNAN: Epekto ng Bagyong Ompong sa Baguio, Ilocos Norte

Randy Menor, ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2018 08:21 AM

BAGUIO CITY - Pinag-iingat ang mga motorista sa mga bumabagsak na sanga at puno sa gitna ng daan dahil sa malakas na hangin at ulang dala ng bagyong Ompong.

Natumba na ang isang puno sa daaan sa Naguilan Road sa Baguio City dahil sa lakas ng ulan at hanging dala ng bagyong Ompong. Justine Aguilar, ABS-CBN News

Bumagsak na ang ilang puno sa kahabaan ng Naguilian Road. May mga kable na rin ng kuryenteng lumalaylay sa daan.

Nauna nang nakiusap ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa publiko na kung maaari ay huwag nang bumiyahe kung hindi naman emergency.

Sa Batac City, Ilocos Norte, naputol na mga sanga ang nagkalat din sa daan.

Nakayuko na rin ang palay at may mga kable na nakalaylay rin sa kalsada.

Nagtumbahan rin ang ilang sanga ng puno sa Batac City, Ilocos Norte dahil sa pananalasa ng bagyong Ompong. Kasalukuyang nasa ilalim ng Signal No. 4 ang lalawigan. Randy Menor, ABS-CBN News

Kasalukuyang nasa ilalim ng Signal No. 4 ang Ilocos Norte habang Signal No. 3 naman ang nararanasan ng Benguet.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging 200 kms at pagbugsong 33o kph.

Ang bagyo ay huling namataan malapit sa Baggao, Cagayan alas-4 ng madaling araw.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.