MAYNILA (UPDATE)—Pinapalikas na ng lokal na pamahalaan ng Pangasinan nitong Sabado ng gabi ang mga residenteng nakatira malapit sa Agno River.
Kinailangan umanong magpakawala ng tubig sa San Roque Dam dahil sa matinding buhos ng ulan dulot ng Bagyong Ompong (international name: Mangkhut).
"Talagang magkakaroon ng malawakang pagbaha dahil sa pagpapakawala ng tubig," ani Richard Orendain, isang hydrologist.
Maaari umanong magbaha sa mga sumusunod na lugar dahil sa pagpapakawala ng tubig:
- Aguilar
- Alcala
- Asingan
- Bautista
- Bayambang
- Lingayen
- Mangatarem
- Rosales
- San Manuel
- San Nicolas
- Sta. Maria
- Tayug
- Urbiztondo
- Villasis
Hinihikayat ang mga residenteng lilikas na magtungo sa mga evacuation center o sa mga lugar na hindi aabutin ng baha.
Pinalilikas din ang mga residente sa mga sumusunod na bayan ng Tarlac:
- Paniqui
- Camiling
- La Paz
- Moncada
"Sila po ay nakalubog sa tubig ngayon kaya nga ho ang concern namin 'pag nag-release ang San Roque lalo ho kaming lulubog," ani Arvin Cabalu, Provincial Information Officer ng Tarlac.
—Ulat ni Zandro Ochona, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.