4 patay sa pagguho ng lupa sa Nueva Vizcaya | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
4 patay sa pagguho ng lupa sa Nueva Vizcaya

ABS-CBN News
Published Sep 15, 2018 10:02 PM PHT
|
Updated Sep 15, 2018 10:37 PM PHT

MAYNILA (UPDATE)—Apat ang kompirmadong patay sa pagguho ng lupa sa Barangay Banaw, bayan ng Kayapa, Nueva Vizcaya nitong Sabado sa pananalasa ng bagyong Ompong.

Ayon kay Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino, ang mga biktima ay may edad 36, 19, 2 anyos, at 8 buwang gulang na sanggol.

"Nabagsakan po 'yung bahay nila, isang pamilya po ito na pinapa-evacuate sila. Ang pina-evacuate po ay tatlong bata, 'yung iba po ay naiwan," aniya.

Nakuha na ng mga barangay official ang bangkay ng mga biktima, ayon kay Tolentino.
Nakuha na ng mga barangay official ang bangkay ng mga biktima, ayon kay Tolentino.
ADVERTISEMENT
FLASH REPORT: Apat ang patay sa pagguho ng lupa sa Nueva Vizcaya, ayon kay Presidential adviser on political affairs Sec. Francis Tolentino #OmpongPH pic.twitter.com/004pByODig
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) September 15, 2018

Ayon kay Nueva Vizcaya Gov. Carlos Padilla, ang pamilya lamang ang naitalang fatality sa probinsiya.

Mahigit 3,000 katao o 800 pamilya naman ang nasa evacuation centers, ayon kay Padilla.

Nasa ilalim ng Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 ang probinsiya, ayon sa pinakahuling impormasyon mula sa PAGASA alas-8 ng gabi.

Samantala, nauna nang sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na dalawang responder ang namatay sa Cordillera region.