Mababang benta ng bawang mula Lubang Island, idinaraing | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mababang benta ng bawang mula Lubang Island, idinaraing

Dennis Datu,
ABS-CBN News
Published Sep 14, 2022 03:44 PM PHT

Dumaraing na ang mga magsasaka ng bawang sa Lubang Island, Occidental Mindoro dahil sa baba ng kanilang benta, kahit pa bagsak-presyo na doon ang produkto.

Wala umanong pumupuntang trader sa isla para bumili ng kanilang mga bawang.

Ayon kay Lubang agriculture office head Ellen Morales, naglalaro sa P20 hanggang P40 kada kilo ang native na bawang.

Dahil walang bumibili, nagsisimula na umanong mabulok ang mga bawang.
Dahil walang bumibili, nagsisimula na umanong mabulok ang mga bawang.
ADVERTISEMENT
"'Yon na lang binenta ng mga farmer dito kasi walang bumibili, mabubulok na 'yon," ani Morales.

Sa mga turista na lang umano naibebenta ang mga bawang, na ginagamit panggawa ng mga magagandang disenyong binebenta nang P100 hanggang P150.

"Ginagawa nila decorative. May style nang pagbi-bead para 'yong mga tourist, magandang pasalubong 'yon," ani Morales.

Ayon sa opisyal, nasa 10 tonelada pa ng bawang ang hindi naibebenta ng mga lokal na magsasaka.

Nangangamba tuloy si Morales na kakaunti na lang ang magtanim sa susunod na planting season ng bawang dahil sa kawalan ng mga bumibili.

Umapela ang Lubang local government sa Department of Agriculture ng tulong para hindi tuluyang maglaho ang kanilang kabuhayan.

"Suportahan niyo po kami para 'yong aming naumpisahan na galing namin sa pagtatanim ay maging dire-diretso at makapagpaaral pa rin kami ng aming mga anak," ani Morales.

Isa ang Lubang Island sa mga kilalang lugar na taniman ng bawang sa Pilipinas. Ang pagtatanim nito ang naging "backbone" ng ekonomiya sa isla.

Noong 1990s, umani ng halos 500 tonelada ng bawang ang mga taga-Lubang Island.

Pero unti-unting naglaho ang kabuhayan nang pumasok ang imported na bawang galing Taiwan dahil iilan na lang tumangkilik sa native na produkto.

KAUGNAY NA VIDEO
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regions
regional news
bawang
agrikultura
Lubang Island
Occidental Mindoro
kabuhayan
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT