'Rat to cash' program, inilunsad sa Marikina kontra leptospirosis | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Rat to cash' program, inilunsad sa Marikina kontra leptospirosis

Jose Carretero,
ABS-CBN News
Published Sep 14, 2022 01:06 PM PHT
|
Updated Sep 14, 2022 08:14 PM PHT

Upang malabanan ang sakit na leptospirosis, inilunsad ngayong Miyerkoles sa Marikina City ang isang programa kung saan maaaring ipagpalit ng pera ang mga mahuhuling daga.

Sa ilalim ng "Rat to Cash" program, P200 ang bayad sa daga na may timbang na 150 gramo pataas.

Pero ayon kay Mayor Marcelino Teodoro, babayaran din kahit ang mga maliliit na huli.

"Maliit o malaki, binibigyan na namin ng P200 dahil nakikita natin equally na source of infection, maliit o malaki na daga ay nakakadulot ng sakit pa rin," ani Teodoro.

ADVERTISEMENT
Hanggang Biyernes lang tatagal ang programa, na sinimulan sa lungsod noong taong 2020.

Ayon kay Teodoro, target ng lungsod na maging zero ang bilang ng mga kaso ng leptospirosis.

Nasa 3 kaso ng leptospirosis ang naitala sa Marikina ngayong taon, kompara sa 8 noong nakaraang taon.

Nagpaalala naman ang lokal na pamahalaan sa mga manghuhuli ng daga na magsuot ng proteksiyon sa kamay at maghugas pagkatapos.

Sa tala naman ng Department of Health, 1,467 ang bilang ng naitalang kaso ng leptospirosis sa buong bansa simula Enero hanggang Agosto. Umabot naman sa 205 ang nasawi dahil sa sakit.

Ilan sa mga sintomas ng leptospirosis ay trangkaso, paninilaw ng balat, pamumula ng mata at pananakit ng katawan.

Samantala, sa Cavite, bibigyan ng isang kilong bigas ang mga makakahuli ng isang plato ng lamok sa Barangay Sanja Mayor sa Tanza.

Layon ng programa — na tatagal hanggang Setyembre 30 — na tugunan ang dumaraming kaso ng dengue sa bayan, na ngayo'y nasa ilalim ng state of calamity dahil sa outbreak ng sakit.

— May ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News
RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT