Internet show host, patay sa pamamaril sa Sorsogon

ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2020 10:27 PM

SORSOGON - Isang internet show host ang pinaslang ng mga di pa kilalang salarin sa Barangay Cabid-an, Sorsogon City nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa pulisya, nagmamaneho ng motorsiklo si Jobert "Ka Polpog" Bercasio ng Balangibog Internet TV nang pagbabarilin siya.

Ayon kay Police Lt. Col. Benito Dipad, hepe ng Sorsogon City Police Station, riding-in-tandem ang mga salarin.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagkakakakilanlan ng mga salarin at motibo ng krimen.--Mula kay Karren Canon

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.