Pulis na 'kasabwat' ng asawang may 'drug den' arestado | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulis na 'kasabwat' ng asawang may 'drug den' arestado

ABS-CBN News
Published Sep 14, 2019 04:52 PM PHT
|
Updated Sep 14, 2019 08:52 PM PHT

Isang pulis, ang kaniyang asawa, at lima iba ang naaresto nang magsagawa ng anti-drug operation ang mga awtoridad sa isang hinihinalang drug den sa Taguig City.

Naaresto sa sarili niyang bahay sa Lower Bicutan, Taguig si alyas "Roberto," na nakatalaga sa Police Security and Protection Group sa Camp Crame.

Ayon kay National Capital Region Police Office chief Guillermo Eleazar, ang asawa ng pulis ang target ng operasyon. Pero nakakatanggap daw sila ng ulat na may pulis na pumupunta sa lugar.

Nagnegatibo si Roberto sa drug den pero kakasuhan pa rin ito sa pakikipagsabwatan sa pagtutulak at pagpapanatili ng drug test.

ADVERTISEMENT
"Alam niya na anytime puwede silang i-drug test. Pero the fact na nandu'n sa bahay niya nagkaroon ng pot session and asawa niya nahuli sa akto, clearly he is protecting and is involved in drugs sa lugar nila,” ani Eleazar.

Tumanggi naman ang mag-asawa sa bintang at sinabing nagulat na lang sila nang salakayin ng pulisya ang kanilang bahay.

"Hindi po totoo. Nagulat na lang po ako bandang 9 ng umaga, habang ginagawa ko compliance ko… May pumasok na mga operatiba, kinalkal ang bahay. Sinabing positive, tapos hindi na ako pinakawalan," ani Ricardo.

Aabot sa P30,000 halaga ng hinihinalang shabu at marijuana ang nakumpiska sa mga suspek.

Nahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek. Sasampahan din ng kasong administratibo ang naarestong pulis.

-- Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT