Pinakamatandang tao sa Pilipinas nagdiwang ng ika-122 kaarawan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pinakamatandang tao sa Pilipinas nagdiwang ng ika-122 kaarawan

Pinakamatandang tao sa Pilipinas nagdiwang ng ika-122 kaarawan

Martian Muyco,

ABS-CBN News

Clipboard

Pinaniniwalaan ng mga kaanak at mga nakakakilala kay Francisca Susano na hindi lamang siya ang pinakamatandang tao sa Pilipinas, maging sa buong mundo. Larawan mula kay Helen Cachero

Isang simpleng selebrasyon ang inihanda ng mga kaanak ni Francisca Susano sa pagdiriwang ng kaniyang ika-122 kaarawan sa Kabankalan, Negros Occidental noong Setyembre 11.

Marami rin ang bumisita kay lola Francisca sa kaniyang masayang araw kasama na dito ang mga pulis na binigyan pa siya ng cake.

Ayon sa apong si Helen Cachero, nakakarinig pa at kaya pang magsalita ni lola Francisca pero mahirap na para sa kaniya ang tumayo.

Pinaniniwaalan ng kaniyang mga kaanak at karamihan sa mga nakakakilala kay lola Francisca na siya ang pinakamatandang tao sa buong mundo na nabubuhay pa.

ADVERTISEMENT

Sa kasalukuyan, walo sa 14 na anak ni lola ang nabubuhay pa at ang pinakamatanda ay mag-100 taon na rin.

Nasa 364 na lahat ang apo ni lola Francisca na nasa apat na henerasyon na.

Dagdag ni Cachero, kanila nang isinumite sa Guinness Book of World Records ang mga dokumento na magpapatunay na si lola Francisca ang pinakamatandang tao sa mundo at umaasa silang kikilalanin nila ang kaanak.

Sa panayam noon ng ABS-CBN News kay lola Francisca, sinabi niya na ang sikreto sa mahabang buhay ay ang pagkain ng gulay.

Kasalukuyang kinikilala ng Guinness bilang pinakamatandang tao sa buong mundo ay si Kane Tanaka ng Japan sa edad na 116 taong gulang.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.