Barangay sa Zamboanga City lubog sa baha dahil sa malakas na ulan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Barangay sa Zamboanga City lubog sa baha dahil sa malakas na ulan

Barangay sa Zamboanga City lubog sa baha dahil sa malakas na ulan

Noning Antonio,

ABS-CBN News

Clipboard


ZAMBOANGA CITY - Nalubog sa baha ang mga bahay sa isang barangay sa lungsod na ito Biyernes ng hapon.

Alas-3 ng hapon nang bigla umanong tumaas ang tubig sa ilog at umapaw sa mga bahay.

Ang ilan, nabigla umano sa biglaang pagtaas ng tubig dahil hindi naman umano umuulan sa mga oras na iyon.

Pero paliwanag ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), nanggaling ang tubig sa bundok kung saan malakas ang buhos ng ulan simula pa Biyernes ng umaga.

ADVERTISEMENT

Pinapayuhan ngayon ng CDRRMO ang mga nakatira sa tabi ng ilog na lumikas muna habang patuloy ang pagtaas ng baha.

Pero ang ilang residente, ayaw pa rin lumikas. Oobserbahan umano muna nila ang kondisyon ng panahon bago magdesisyon.

Kasama ang siyudad sa mga lugar sa bansa na apektado ng habagat.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.