800 na pamilya, nawalan ng bahay sa Laguna dahil sa pagbaha | ABS-CBN
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
800 na pamilya, nawalan ng bahay sa Laguna dahil sa pagbaha

ABS-CBN News
Published Sep 14, 2017 05:50 PM PHT
CALAMBA, Laguna - Hindi bababa sa 800 pamilya ang kinailangang lumikas mula sa kanilang mga tahanan sa barangay Parian, matapos anurin ng baha ang kani-kanilang mga bahay.

Ang biglaang pagbaha ay bunsod ng malakas na pag-ulan na dala ng bagyong Maring na nanalasa sa Luzon noong Martes at Miyerkoles.

Ayon kay Rodney Perez, punong barangay, 200 bahay ang nasira sa Sitio Uno habang 45 iba pang kabahayan ang inanod sa Sitio Siete.

Dagdag ni Perez, isang 3-taong gulang bata ang namatay dahil sa pagbaha, habang 5 pang residente ang nawawala.

ADVERTISEMENT
Nasa 400 na residente ang naninirahan sa barangay hall at sa Parian Elementary School na ginawang mga pansamantalang evacuation center.

- Ulat mula kina Rowena Paraan and Chris Clapano, ABS-CBN News.