COVID-19 vaccines nasira sa sunog sa health office sa bayan sa Ilocos Norte | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
COVID-19 vaccines nasira sa sunog sa health office sa bayan sa Ilocos Norte

ABS-CBN News
Published Sep 11, 2021 03:02 PM PHT
|
Updated Sep 11, 2021 03:37 PM PHT

SAN NICOLAS, Ilocos Norte (UPDATE) — Nasira ang daan-daang bakuna kontra COVID-19 at mga bakuna para sa mga bata sa sunog sa ikalawang palapag ng municipal health office ng bayan na ito, gabi ng Biyernes.

Sa isang Facebook post, sinabi ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas na nasa mahigit 400 COVID-19 vaccines at bakuna ng mga bata ang nasira sa sunog.

Ayon sa mga awtoridad, mga bakuna mula AstraZeneca at Sinovac ang nadamay sa sunog - pero hindi pa matukoy kung ilang vial ang nasira.

Sa inisyal na imbestigayon ng BFP-San Nicolas, nagsimula ang sunog sa bodega ng medical supplies bandang alas-7 ng gabi ng Biyernes.

"'Yung isang medical refrigerator na nasa storage room, nag-malfunction ang compressor nito na posibleng pinagmulan ng sunog," ayon kay Insp. Reynold Aguinaldo, Fire Marshal ng BFP San Nicolas.

Wala namang nasaktan sa insidente at inaalam pa ang halaga ng pinsala.

— Ulat ni Dianne Dy
Read More:
health office
fire Philippines
sunog
COVID-19 fire
Ilocos Norte
COVID-19 regions
Ilocos Norte news
Ilocos Norte COVID-19 updates
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT