Pumuwesto ang grupong Bikers United Marshalls at UP Mountaineers sa Kalayaan Avenue sa kahabaan ng EDSA at namahagi ng mga helmet sa mga nagbibisikletang walang suot na kahit ano mang protective gear. Photos Courtesy: Ann Angala ng Bikers United Marshalls at UP Mountaineers.
MAYNILA - Namigay ang ilang grupo ng mga protective gear sa mga nagbibisikleta sa Quezon City.
Pumuwesto ang grupong Bikers United Marshalls at UP Mountaineers sa Kalayaan Avenue sa kahabaan ng EDSA at namahagi ng mga helmet sa mga nagbibisikletang walang suot na kahit ano mang protective gear.
Namahagi rin sila ng mga helmet sa mga nagbibisikletang walang suot ng kahit ano mang protective gear.
Namigay rin sila ng libreng bike mechanic assistance at binantayan ang ilang pop-up bike lanes sa Commonwealth Avenue. Ito ay para matiyak na maayos ang mga madadaanan ng mga nagbibisikleta.
Namigay naman ang MMDA katuwang ang ilang pribadong grupo ng reflectorized vest sa mga nagbibisikleta sa kahabaan ng EDSA sa Quezon City.
Ngayong limitado pa rin ang pampublikong transportasyon dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ay may iilan na nagbibisikleta patungo sa kanilang mga destinasyon.
-- Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, cyclist, protective gear, bisikleta, bikes, MMDA, protective gear