'Di puwedeng abalahin': DepEd nagmatigas kontra 'academic freeze' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Di puwedeng abalahin': DepEd nagmatigas kontra 'academic freeze'

ABS-CBN News
Published Sep 11, 2020 08:00 PM PHT

MAYNILA — Hindi nagpapatinag ang Department of Education (DepEd) at nanindigan muli nitong Biyernes na walang magaganap na academic freeze tulad ng hiling ng mga grupo ngayong pandemya.

Sabi sa TeleRadyo ni Education Undersecretary Diosdado San Antonio, hindi puwedeng maantala ang edukasyon ng mga bata dahil mahuhuli sila sa mga estudyante sa ibang parte ng mundo.
"Hindi puwedeng abalahin ang pagbibigay ng pagkakataon sa kabataang Pilipino na patuloy na matuto kahit may COVID-19. Alalahanin natin na ang lahat ng karatig-bansa natin ay nagsisimula na at tayo na ang pinakahuli," aniya.

Sa ngayon aniya, nasa 80 porsiyento na ang kahandaan ng DepEd sa pagbubukas ng klase sa Oktubre 5.

Sabi naman ni National Parents-Teachers Association secretary general Kent Recacho, handa na rin ang mga magulang sa pasukan sa susunod na buwan.

May mga hakbang aniya silang ginawa para maging handa sa mga hamon ng blended learning.

"Ang aming stand bilang parents ay handang-handa na and okay na sa amin na mag-opening sa October 5," ani Recacho.

Naniniwala naman si National Union of Students of the Philippines president Raoul Manuel na dapat tiyakin muna ng pamahalaan na talagang handa na ito sa pagbubukas ng klase.

"Gusto natin makita ang pinanggagalingan ng mga etudyante kung bakit nila kino-call ang academic freeze at bakit sa mga konsultasyon sa mga student council, student orgs doon natin nakita na naniniwala ang mga estudyante at mga magulang at teachers na sa ngayon, kung iche-check lang ang mga paghahanda ay kailangan talagang mag-double time," aniya.

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
edukasyon
academic freeze
DepEd
National Union of Students of the Philippines
Department of Education
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT