Dalaga sa Laguna, nawawala matapos makipagkita sa lalaking nakilala online | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dalaga sa Laguna, nawawala matapos makipagkita sa lalaking nakilala online

Dalaga sa Laguna, nawawala matapos makipagkita sa lalaking nakilala online

ABS-CBN News

Clipboard

 Photo courtesy of Biñan PNP
Photo courtesy of Biñan PNP

MANILA — Pinaghahanap ngayon ang isang babaeng person with disability (PWD) sa Biñan, Laguna matapos itong mawala kamakailan.

Ayon sa pulisya, noong nakaraang Huwebes pa nagpaalam ang 26-anyos na si "Marie" kasi makikipagkita raw ito sa isang lalaking nakilala niya sa social media.

Pumunta umano ang dalaga sa isang mall pero hanggang sa pagsulat ng balitang ito, hindi pa siya nakakauwi sa kanilang bahay sa Barangay Santo Tomas sa lungsod ng Biñan.

Ayon sa mga kaanak ni "Marie," huling na-contact ang cellphone number ng dalaga noong gabing nawala ito, ngunit isang lalaki ang sumagot sa tawag at kaagad din nitong ibinaba ang telepono.

ADVERTISEMENT

Napag-alaman ding may intellectual disability at sakit na epilepsy si "Marie."

Nangangamba ang mga kaanak nito na baka sinamantala ng kung sinumang nakasama nito ang kapansanan ng dalaga.

Dahil dito, nananawagan ang pamilya ni "Marie" na makipag-ugnayan sa pulisya ng Biñan ang sinumang may impormasyon ukol sa kinaroroonan ng nawawalang dalaga.

— Ulat ni Ronilo Dagos

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.