Bahagi ng viaduct sa South Road Properties Cebu binaha | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bahagi ng viaduct sa South Road Properties Cebu binaha

Bahagi ng viaduct sa South Road Properties Cebu binaha

ABS-CBN News

Clipboard

Binaha ang viaduct ng South Road Properties sa bahagi ng Talisay City, Cebu dahil sa malakas na ulan. Larawan mula kay Thomas Castanares
Binaha ang viaduct ng South Road Properties sa bahagi ng Talisay City, Cebu dahil sa malakas na ulan. Larawan mula kay Thomas Castanares

Nakaranas ng pagbaha sa ilang bahagi ng lalawigan ng Cebu dahil sa malakas na ulan nitong Martes.

Kabilang sa mga binaha ang viaduct ng South Road Properties sa bahagi ng Talisay City.

Ayon kay Thomson Castanares na nagbahagi ng kaniyang karanasan, hindi sila tumuloy sa pag-ikot sa viaduct dahil sa baha.

“Mabuti at nakita ko ang nauna sa akin kasi madalim. Pumarada muna ako kaysa magcounterflow,” ani Castanares.

ADVERTISEMENT

Nakita din niya na lumusong ang garbage truck at isa pang sasakyan na tumirik dahil sa baha.

Samantala, may ilan ding mga residente ng Cebu City ang nakaranas ng pagbaha.

Ibinahagi ni Alma Delfino ang larawan ng kaniyang bahay na pinasok ng tubig baha.
Ibinahagi ni Alma Delfino ang larawan ng kaniyang bahay na pinasok ng tubig baha.

Ayon sa PAGASA Mactan, may heavy rainfall warning sa bahagi ng Cebu at mga karatig probinsya dahil sa habagat.

Humupa naman ang baha matapos ang halos isang oras.

– Ulat ni Annie Perez

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.