PWDs pinapakuha ng unclaimed ayuda sa mga barangay sa Parañaque | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PWDs pinapakuha ng unclaimed ayuda sa mga barangay sa Parañaque

PWDs pinapakuha ng unclaimed ayuda sa mga barangay sa Parañaque

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Nakatakdang ipamahagi ang unclaimed cash assistance para sa mga persons with disability (PWD) sa Parañaque ngayong Lunes.

Sa buong lungdsod, mahigit 6,600 na PWD ang nasa listahan pa ng mga unclaimed beneficiaries ng ayuda 2 para sa nakaraang ECQ. Pinakamarami sa mga nakalista ay sa Barangay BF Homes.

Noong Agosto 31 pa natapos ang pagbibigay ng ayuda pero ipinalawig ng lungsod ang pag-claim hanggang ngayong Lunes.

May 2 porsyento hanggang 3 porsyento pa kasi ng mga benepisyaryo ang hindi pa nakukuha ang ayuda.

ADVERTISEMENT

Ibinaba ang pagbigay ng ayuda para sa mga PWD sa 16 na barangay.

Ayon kay Evangeline Delos Santos, pinuno ng PWD affairs sa Bgy. Baclaran, hindi na rin nila inaasahang makakapag-claim ang lahat ng nakalista sa kanila. May ilan kasing namatay na o kaya lumipat ng lugar sa nakaraang taon.

Pero pagbibigyan pa rin nila ‘yong mga lumipat na makuha ang kanilang ayuda kapag tumungo sila sa site at magdala ng valid ID.

Simula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon ang schedule ng pagclaim.

Kailangang magdala ng sariling ballpen, 3 pirmadong kopya ng unexpired ID at gayundin kung may authorized na kukuha.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.