COVID-19 curve sa Metro Manila, Calabarzon nagsimula nang ma-flatten: eksperto | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
COVID-19 curve sa Metro Manila, Calabarzon nagsimula nang ma-flatten: eksperto

ABS-CBN News
Published Sep 06, 2020 05:18 PM PHT
|
Updated Sep 06, 2020 05:53 PM PHT

MAYNILA - Nagsimula nang ma-flatten na ang curve o bumaba na ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa Metro Manila at Calabarzon, sabi ngayong Linggo ng isang miyembro ng research group mula sa University of the Philippines (UP).

Ayon kay UP professor at OCTA Research fellow Guido David, bumaba na sa 0.94 ang reproduction rate ng coronavirus o iyong tinatawag na "R-naught."

Bahagyang mas mababa pa ito kompara noong isang linggo, na nasa 0.99.

Ayon kay David, dapat mas mababa sa 1 ang coronavirus reproduction number, na batayan para masabing na-flatten na ang curve.

ADVERTISEMENT
"We are seeing the flattening of the curve sa Metro Manila at Calabarzon," ani David.

Ayon pa kay David, bumaba rin sa 12 porsiyento ang positivity rate sa Metro Manila mula 19 porsiyento.

Mas mabuti umano kung maibababa pa ito sa 10 porsiyento.

Nagpaalala rin si David na sa kabila ng pagbaba ng mga kaso, hindi pa rin dapat kampante ang publiko.

"Flattening the curve does not mean the pandemic is over so we should not let our guard down. We need to sustain it," ani David.

Samantala, nakapagtala ngayong Linggo ang Department of Health ng 2,839 bagong kaso ng COVID-19, dahilan para umakyat sa 237,365 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso sa buong bansa.

Karamihan sa mga bagong kaso ay galing sa Metro Manila, Negros Occidental, Laguna, Cavite, at Rizal.

Sa 237,365 cases, 48,803 ang active cases o iyong mga hindi pa gumagaling sa sakit.

Nakapagtala naman ang DOH ng 23,074 bagong paggaling sa ilalim ng "Oplan Recovery" kaya tumaas sa 184,687 ang total recoveries.

May 85 naman bagong namatay dahil sa sakit kaya umakyat ang death toll sa 3,875.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
COVID-19
COVID-19 pandemic
flattening of the curve
flatten the curve
Calabarzon
National Capital Region
UP OCTA Research
Department of Health
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT