'Pilipinas may magagawa sa panggigipit ng China' | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Pilipinas may magagawa sa panggigipit ng China'

'Pilipinas may magagawa sa panggigipit ng China'

Robert Mano,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Naniniwala ang isang propesor at eksperto sa diplomacy at military program na bagamat tali ang kamay ng Pilipinas sa West Philippine Sea ay may mga paraan pa rin para ma-pressure ng bansa ang China.

Sa webinar ng national youth movement for the West Philippine Sea, sinabi ni retired Capt. Carl Schuster, isang professor sa Hawaii Pacific University diplomacy and military program at dating director for operations ng US Pacific Command’s joint intelligence center sa Hawaii, na ang pinakamagandang panlaban sa ginagawa ng China sa pinagtatalunang teritoryo ay ang pagpapalakas ng ekonomiya ng Pilipinas.

Sa ganitong paraan, mas mapapalakas din ang pwersang militar ng bansa. Dapat din panatilihin ang military presence at pagpapatrolya sa mga pinag-aagawang isla.

Tuloy-tuloy din dapat ang pagdadala ng mga supply ng mga tropang militar ng bansa na naglalagi sa mga isla.

ADVERTISEMENT

Pinakamabuti rin aniyang gawin ng bansa ay hikayatin ang mga kumpanya maging ang mga nasa China, na sa Pilipinas na mag-invest.

Malaki aniya ang potensyal ng bansa dito lalo't malaking bahagi ng populasyon ay bihasa sa wikang Ingles at masisipag ang mga Pilipino.

"The Philippines is well-positioned in foreign investment, particularly now that China shows it doesn’t respect the rule of law. If you investing money, will you invest in a country that doesn't respect rule of law?" aniya.

Sa isyu naman ng pangbu-bully ng China, mas mainam na magkaroon ang bansa ng bilateral exercises sa American Coast Guard, kagaya ng search and rescue exercise, ani Schuster.

Political signal aniya kasi ito sa China. Pu-pwede rin anyang isali ang Vietnamese Coast Guard at Malaysian coastguard para sa military exercises.

Dagdag ni Schuster, lalabas na banta ito sa China na kung mambu-bully sila ay pupwede na magsanib pwersa ang mga bansang ito laban sa kanila.

Paalala din ni schuster, dapat din matinding bantayan ng bansa ang mga lugar na hindi pa inuukupa ng China.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.